Santa Praxedes
Si Santa Praxedes (Saint Práxedes) ay isang tradisyonal na santang Kristiyano ng ikalawang dantaon. Minsang binabaybay rin ang kaniyang pangalan bilang Praxedis (Πραξηδίς) o Praxed. BiyograpiyaKaunti lamang ang kaalaman hinggil kay Praxedes, at hindi nakikiayon ang mga tala. Ayon sa The Golden Legend ni Jacobus de Voragine, si Praxedes ay kapatid ni Santa Prudenciana; ang iba pang mga kapatid nila ay sina San Donatus at San Timoteo. Noong isa sa mga panahon ng pagpapahirap, inilibig nila ang mga katawan ng mga Kristiyanong pinagmalupitan at namahagi ng mga produkto sa mga mahihirap. Nakasaad sa maikling tala ni de Voragine na namatay sila noong 165 P,K., "sa panahon ng pamumuno nina Emperador Marcus at Emperador Antoninus II."[notes 1][1] Sa kaniyang lahok para kay San Novacio, binanggit ni Sabine Baring-Gould na ang "banal na birheng" si Praxedes ay isang anak ni San Pudens, at ang mga kapatid niya ay sina Santa Prudenciana, San Novacio at San Timoteo. Sinasabing namatay si Novacio noong 151 P.K..[3] Mga libinganIbinaon ang mga labi nina Praxedes at Prudenciana sa Katakumba ng Priscilla na binansagang "Reyna ng mga Katakumba" dahil sa maraming nakalibing na mga martir at santo papa. Paglaon, naging magkaugnay sila sa isang simbahang Romano, ang Titulus Pudentis, na ipinalalagay na ipinangalan sa kanilang amang si San Pudens, at nakilala rin bilang Ecclesia Pudentiana. (Ang kaugnayang ito ay maaring humantong sa pagtawag kay Potenciana bilang Prudenciana.) Ayon sa Catholic Encyclopedia, "Ang dalawang mga babaeng naghahandog ng kanilang mga korona kay Kristo sa mosaiko ng abside (apse) sa St. Pudentiana ay maaaring sina Potenciana at Praxedes."[4] Noong ika-apat na dantaon, itinayo ang isang simbahang Titulus Praxedis na nakakawing nang husto sa pagpipintuho kay Santa Praxedes. Ang mga reliko niya at ng kaniyang kapatid na babae ay inilipat sa nasabing simbahan, na itinayo muli ni Papa Pascual I (817–824) at pinalitan ang pangalan sa Santa Prassede.[4] Mga katukayoMga tao
Mga lugar
Talababa
Mga sanggunian
Mga kawing panlabas![]() May kaugnay na midya tungkol sa Saint Praxedes ang Wikimedia Commons.
Information related to Santa Praxedes |
Portal di Ensiklopedia Dunia