ISO 3166-1Ang ISO 3166-1 ay isang pamantayang nagtatakda ng mga kodigo para sa mga pangalan ng mga bansa, mga teritoryong dependiyente, at mga espesyal na lugar na pinag-iinteresan sa heograpiya. Ito ang unang bahagi ng pamantayang ISO 3166 na inilathala ng Organisasyong Pandaigdig para sa Pagsasapamantayan. Binibigyang-kahulugan nito ang tatlong pangkat ng mga kodigong pambansa:[1]
Unang naisama ang mga alpabetikong kodigong pambansa sa ISO 3166 noong 1974, at unang naisama ang mga numerikong kodigong pambansa noong 1981. Nailathala ang mga kodigong pambansa bilang ISO 3166-1 mula noong 1997, nang pinalawak ang ISO 3166 sa tatlong bahagi, kung saan nagtatakda ang ISO 3166-2 ng mga kodigo para sa mga subdibisyon at nagtatakda ang ISO 3166-3 ng mga kodigo para sa mga dating bansa.[1] Bilang pamantayang pandaigdig na ginagamit nang malawakan, inilalapat ang ISO 3166-1 sa iba pang mga pamantayan at ginagamit ng mga internasyonal na organisasyon[1] upang padaliin ang pagpapalitan ng mga kalakal at impormasyon.[1] Subalit, hindi ito ang tanging pamantayan para sa mga kodigong pambansa. Medyo o ganap na nag-iiba sa ISO 3166-1 ang mga ibang kodigong pambansa na ginagamit ng maraming internasyonal na organisasyon,[1] bagama't halos magkatugma ang ilan sa mga kodigo ng ISO 3166-1. Mga sanggunianInformation related to ISO 3166-1 |
Portal di Ensiklopedia Dunia