Ang あ sa hiragana o ア sa katakana (a kung naromanisado) ay isa lamang sa mga kanang Hapones na parehong kumakatawan sa isang mora. Ang あ ay nakabase sa istilong sōsho ng kanjing 安, at ang ア ay nagmula sa radikal ng kanjing 阿. Sa makabagong sistemang panulat at alpabetiko ng mga Hapones, kadalasang makikita ito sa unang puwesto, bago ang い. Bilang karagdagan, ito ang ika-36 na titik sa Iroha, pagkatapos ng て at bago ang さ. Ang hiragana nito ay bumubuo sa kanang no na kadalasang isinasama sa krus. Ang Unicode para sa あ ay U+3042, at ang Unicode para sa ア ay U+30A2.
Nagmula ang katakana na ア mula sa man'yōgana, mula sa kaliwang elemento ng kanjing 阿. Nagmula naman ang hiraganang あ mula sa dikit-dikit na pinasimpleng kanjing 安.
Mga uri
Ipinanggagamit ang mga pinaliit na beryson ng mga kana (ぁ, ァ) para ipahayag ang mga banyagang tunog sa wikang Hapones, tulad ng ファ (fa). Sa ilang mga sistema ng pagsulat sa Okinawa, pinagsasama rin ang maliit na ぁ sa kanang く (ku) at ふ (fu or hu) upang bumuo ng mga digrap na くぁ kwa at ふぁhwa, ngunit ginagamit ng iba ang maliit na ゎ sa halip nito.
Ayos ng pagkakasulat
Pagsulat ng あ
Pagsulat ng ア
Stroke order in writing あ
Isinusulat ang hiragana na あ sa tatlong paghagod:[1]
Sa tuktok, isang pahalang na paghagod mula kaliwa hanggang kanan.
Isang pababang patayong paghagod na nagsisimula sa itaas at sa gitna ng huling paghagod.
* Kapag hinahaba ang mga "-a" na pantig sa braille ng Hapones, ginagamit palagi ang chōon, tulad ng karaniwang paggamit ng katakana sa halip ng pagdaragdag ng あ / ア.