Ang My Husband Got a Family (Koreano: 넝쿨째 굴러온 당신; RR: Neongkuljjae Gulleoon Danshin; lit. Ikaw na Gumulong ng Di Inaasahan, kilala din bilang Unexpected You) ay isang serye sa telebisyon noong 2012 na unang pinalabas sa Timog Korea na pinagbibidahan nina Kim Nam-joo, Yoo Jun-sang, at Youn Yuh-jung.[1] Umere sa KBS2 mula Pebrero 25 hanggang Setyembre 9, 2012 na may 58 na kabanata.[2]
Nakasentro ang pampamilyang Koreanovela sa isang nagtratrabahong babae na nagngangalang Cha Yoon-hee (ginampanan ni Kim Nam-joo) na ang kanyang asawa, na inilagay para sa internasyonal na pag-aampon, na muling nakapiling ang kanyang mga pambiyolohiyang mga magulang. Hinarap ni Yoon-hee ang hindi inaasahang pasan upang bumuo ang isang relasyon kasama ang kanyang bagong natagpuang mga biyenan.[3]
Sa tinakbo nito sa higit sa limang buwan, naging numero uno ito sa lingguhang marka o rating sa tsart sa 25 sunod-sunod na linggo at naabot ang pinakamataas na marka na 45.8 bahagdan (TNmS) at 52.3 bahagdan (AGB Nielsen).[4][5][6][7][8][9] Nakaranggo ang serye sa numero uno sa pangkalahatan noong 2012 na taunang marka sa tsart pantelebisyon.[10]
↑Kim, Hyo-eun (18 Abril 2012). "In with the old, out with the new". Korea JoongAng Daily (sa wikang Ingles). Inarkibo mula sa orihinal noong 10 Hulyo 2012. Nakuha noong 2012-12-04.