Zambezi![]() Ang Zambezi (binabaybay ding Zambesi) ay ang pang-apat na pinakamahabang ilog sa Aprika, at ang pinakamalaking dumadaloy patungo sa Karagatan ng India mula sa Aprika. Ang area ng lunas nito ay may sukat na 1,390,000 km² (537,000 mga milya²),[1][2] na bahagyang mas kakaunti kaysa Nilo. Mayroong pinagmumulan ang mahabang ilog na ito na may habang 3,540 mga kilometro (2,200 mga milya) mula sa Zambia at dumaraan ang daloy sa Angola, sa kahabaan ng mga hangganan ng Namibia, Botswana, Zambia, at Zimbabwe, hanggang Mozambique, kung saan bumubuhos ito patungo sa Karagatan ng India. Isa sa mga pinaka kamangha-manghang katangiang-kasangkapan nito ang magandang Mga Talon ng Victoria. Ilan pa sa natatanging mga talon dito ang Mga Talon ng Chavuma na nasa hangganan ng Zambia at Angola, at Mga Talon ng Ngonye, na malapit sa Sioma sa Kanlurang Zambia. May dalawang pinanggagalingan ng enerhiyang hidroelektriko sa ilog. Ito ang Saplad ng Kariba, na nagbibigay ng kuryente sa Zambia at Zimbabwe at ang Saplad ng Cahora Bassa sa Mozambique na nagdurulot ng kuryente sa Mozambique at sa Timog Aprika. Mayroon ding isa pang mas maliit na estasyon ng enerhiya sa Mga Talon ng Victoria. Mga sanggunian
Information related to Zambezi |
Portal di Ensiklopedia Dunia