Lumaki si Lorna sa hirap, pero hindi ito naging hadlang sa kanya para magpursige sa buhay. Akala niya ay natagpuan na niya ang kaligtasan sa katauhan ni Lando—ngunit ito pala ang magdadala ng dagdag pasakit sa kanyang buhay.
Ma-prinsipyong tao si Lando, ngunit ma-pride din at may pagka-chauvinist. Mahal niya si Lorna, pero mahina siya sa tawag ng laman kaya madali siyang matukso.
Si Trixie ang unang nobya ni Lando na piniling pakasalan ang kanyang ama. Hindi nawala ang pagtingin niya kay Lando, kaya naman matindi ang selos na mararamdaman niya sa pagdating ni Lorna sa kanilang buhay.
Corazon ang tunay na pangalan ni Moret, ngunit Moret na ang tinawag sa kanya dahil mukha siyang lukaret at hindi nagsasalita. Dahil sa isang madilim na lihim, pipilitin niya si Lorna na layuan at iwan ang pamilya niya.
Si Tiburcio ang walang hiyang ama ni Lorna na magdudulot ng maraming tinik sa kanyang dibdib. Abusado at mapagsamantala, may kakasamahin nang ibang babae kahit nabubuhay pa ang asawa niya.
Daria Ramirez
Candida
Mahina ang loob ni Candida at hindi niya kayang labanan ang asawa. Imbis na makatulong sa anak, siya pa mismo ang magiging dahilan ng paghihirap nito sa buhay.