Ibn al-Nafis
Si Ala-al-Din abu al-Hasan Ali ibn Abi-Hazm al-Qarshi al-Dimashqi (Arabe: علاء الدين أبو الحسن عليّ بن أبي حزم القرشي الدمشقي), kilala din bilang Ibn al-Nafis (Arabe: ابن النفيس), isang Arabe-Siriong polimata na kabilang sa kanyang mga gawang larangan ang medisina, pagtistis, pisiyolohiya, anatomiya, biyolohiya, Islamikong pag-aaral, hurisprudensya, at pilosopiya. Karamihang sikat siya sa pagiging ang unang naglarawan ng pulmonaryong sirkulasyon ng dugo.[2] Mas nauna ang gawa ni Ibn al-Nafis tungkol sa kanang panig (pulmonaryo) na sirkulasyon kaysa sa kalaunang gawa (1628) ni William Harvey na De motu cordis. Sinubok ng parehong teoriya ang pagpapaliwanag ng sikulasyon. Nanatili na walang tumututol sa ika-2 dantaon na Griyegong manggagamot na si Galen tungkol sa pisiyolohiya ng sistemang sirkulatoryo hanggang sa mga gawa ni Ibn al-Nafis, kung saan inilarawan siya bilang "ang ama ng sirkulatoryong pisiyolohiya."[3][4][5] Bilang isang sinaunang anatomista, nagsagawa din si Ibn al-Nafis ng ilang diseksyon ng tao sa panahon ng kanyang paggawa,[6] na nakagawa ng ilang mahahalagang mga tuklas sa mga larangan ng pisiyolohiya at anatomiya. Bukod sa kanyang tanyag na pagtuklas sa pulmonaryong sirkulasyon, nagbigay din siya ng isang maagang pananaw sa koronaryo at kapilyar na mga sirkulasyon.[7][8] Hinirang din siya bilang punong manggagamot sa Ospital ng al-Naseri na itinatag ni Sultan Saladin. Bukod sa medisina, nag-aral din si Ibn al-Nafis ng hurisprudensya, panitikan, at teolohiya. Eksperto din siya sa paaralang hurisprudensya ng Shafi'i at isang ekspertong manggagamot.[9] Tinatayang nasa 110 bolyum ang bilang ng mga nasulat na aklat-aralin pang-medisina ni Ibn al-Nafis.[10] BiyograpiyaIpinanganak si Ibn al-Nafis noong 1213 sa isang pamilyang Arabe[11] marahil sa isang nayon malapit sa Damascus na nagngangalang Karashia, pagkatapos noon, maaring hinango ang kanyang Nisba. Noong maagang bahagi ng kanyang buhay, nag-aral siya ng teolohiya, pilosopiya at panitikan. Tapos, sa gulang na 16, nagsimula siyang mag-aral ng medisina sa higit sa sampung taon sa Ospital ng Nuri sa Damascus, na itinatag ng Turkong Prinsipe na si Nur-al Din Muhmud ibn Zanki, noong ika-12 dantaon. Kontemporaryo siya ng sikat na manggagamot na si Ibn Abi Usaibia at pareho silang tinuruan ng tagapagtatag ng isang paaralang pangmedisina sa Damascus, si Al-Dakhwar. Hindi nabanggit ni Ibn Abi Usaibia si Ibn al-Nafis sa kanyang pambiyograpikong diksyunaryong "Buhay ng mga Manggagamot." Ang tila sinasadyang pagtanggal ay maaring dahil sa personal na poot o marahil sa tunggalian sa pagitan ng dalawang manggagamot.[12] Noong 1236, lumipat si Ibn al-Nafis, kasama ng ilang sa kanyang mga kasamahan, sa Ehipto sa ilalim ng hiling ng sultang Ayyubid na si al-Kamil. Hinirang si Ibn al-Nafis bilang punong manggagamot sa ospital ng al-Naseri na itinatag ni Saladin, kung saan nagturo at nagsanay siya ng medisina sa ilang mga taon. Isa sa kanyang pinakakilalang mag-aaral ay ang Kristiyanong manggagamot na si Ibn al-Quff. Nagturo din si Ibn al-Nafis ng hurisprudensya sa al-Masruriyya Madrassa (Arabe: المدرسة المسرورية). Matatagpuan ang kanyang pangalan sa ibang mga iskolar, na nagbibigay ng pananaw sa kung gaano siya kahalaga sa pag-aaral at pagsasagawa ng batas sa relihiyon. Nanirahan si Ibn al-Nafis sa halos lahat ng kanyang buhay sa Ehipto, at nasaksihan ang ilang mahahalagang kaganapan tulad ng pagbagsak ng Baghdad at ang pagbangon ng mga Mamluk. Naging personal din siyang manggagamot ni sultan Baibars at ibang prominenteng pampolitikang pinuno, sa gayon, ipinamalas ang sarili bilang isang awtoridad sa mga nagsasanay ng medisina. Sa huling bahagi ng kanyang buhay, nang siya ay 74 gulang, hinirang si Ibn al-Nafis bilang punong manggagamot ng bagong tatag na ospital ng al-Mansori kung saan nagtrabaho siya sa natitirang buhay niya. Namatay si Ibn al-Nafis sa Cairo pagkatapos ng ilang araw ng pagkakasakit. Nagsulat ang kanyang mag-aaral na si Safi Aboo al-fat'h ng isang tula tungkol sa kanya. Bago siya namatay, ipinagkaloob niya ang kanyang bahay at aklatan sa Ospital ng Qalawun, na kilala din bilang Bahay ng Paggaling.[13] Mga sanggunian
Information related to Ibn al-Nafis |
Portal di Ensiklopedia Dunia