Epinephrine
Ang Epinephrine, na nakikilala rin bilang adrenalin[3], adrenaline,[4] o β,3,4-trihydroxy-N-methylphenethylamine, ay isang hormona sa loob ng katawan. Ang mga salitang-ugat mula sa Latin na ad at renes ang mga salitang-ugat na Griyegong epi at nephros ay kapwa nangangahulugang "papaibabaw na papunta" at "papatong na papunta" sa bato, na isang pagtukoy sa mga glandulang adrenal. Sa pananalitang pangmedisina, ang epinephrine ay pinaiiksi bilang "epi" (binibigkas na /eh-pee/). KasaysayanAng hormone na ito ay unang naibukod at nadalisay noong 1901 ng imbistigador at kimikong Hapones na si Jokichi Takamine.[5] It was patented in the US with the name "adrenaline".[4] Si Takamine ang nagbigay dito ng pangalang adrenalin.[3] Inimbistigahan din ito ng parmakologong si John Jacob Abel ng Johns Hopkins University, na nagbigay dito ng opisyal nitong pangalan na epinephrine.[3] Epekto sa katawanAng epinephrine ay napakahalaga sa panandaliang reaksiyon sa stress (tingnan ang reaksiyong Fight or Flight. Pinatataas ng epinephrine ang antas ng tibok ng puso, na nakapagpapalaki sa mga balintataw ng mata, na nakapagpapalaki ng mga sisidlan ng dugo na nasa loob ng mga binti, at nakapagpapahina sa sistemang imyuno sa loob ng saglit na panahon. Dahil dito, ang epinephrine ay isang karaniwang panlunas para sa alerhiya na katulad ng Anaphylaxis. Ang masasamang mga reaksiyon sa epinephrine ay kinabibilangan ng mga palpitasyon ng puso (pagsikdo ng puso), tachycardia, pagkabalisa (anxiety), sakit ng ulo, tremor, altapresyon, at acute o malalang edemang pulmonaryo (manas ng baga). Epekto sa bagaKapag nilanghap bilang isang ambon, ang epinephrine ay nakapagdurulot na mamahinga ang mga masel na nakapaligid sa mga bahagi ng baga, nakapagpapahintulot ng mas maraming hangin papasok sa mga baga. Nakakatulong ito sa paglunas ng hika o bronchiolitis. Mga sanggunian
Mga kawing na panlabasInformation related to Epinephrine |
Portal di Ensiklopedia Dunia